Home ENTERTAINMENT Netizen, hati opinyon sa muling pagkakakulong ni Diwata!

Netizen, hati opinyon sa muling pagkakakulong ni Diwata!

178
0

Manila, Philippines — Hindi kinaya ng magic wand ni Diwata na makaiwas sa pagkakakulong kamakailan.

May nakita kasing non-compliance o paglabag ang paresan business ni Deo Jarito Balbuena, o mas kilala bilang Diwata.

Himutok niya, wala man lang daw ipinadalang subpoena sa kanya—kulong agad.

Katulad din daw iyon ng unang nangyari sa kanya.

Ayon kay Diwata, isang ahensya ng pamahalaan ang nagsampa ng reklamo laban sa kanyang negosyo.

Hirit niya, kung maaari naman daw ayusin, ay bakit kailangang ikulong siya?

Katwiran niya, hindi naman daw siya big-time na negosyante—ang kinikita mula sa paresan ay kasyang pangkain lang sa araw-araw.

Dahil madalas pa nga siyang abonado, stressed na stressed tuloy siya.

Dakong alas-sais ng gabi daw nang maaresto siya at nakalaya lang matapos ang 24 oras.

Kinailangan din daw niyang magpiyansa ng P60,000 sa kasong ongoing pa.

“Sa totoo lang, ang hirap-hirap maging Pilipino. Lumalaban ka naman nang patas, hindi ka naman namemerwisyo. Dumidiskarte ka sa sarili mo para mabuhay, pero bakit ganoon?” nagsisintir na sabi ni Diwata.

Hati naman ang reaksyon ng mga netizen sa pagkakakulong ni Diwata.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here