Home ENTERTAINMENT Matteo, chill lang sa driver na sumuwag sa kanyang resto!

Matteo, chill lang sa driver na sumuwag sa kanyang resto!

151
0

Manila, Philippines — Wasak nga ang al fresco area ng Da Gianni Cucina Italiana sa Westgate Molito, Alabang, Muntinlupa City.

Ang may-ari nito ay ang pamilya ni Matteo Guidicelli.

Makikita ang mga larawang ipinost ng aktor.

Ani Matteo, isang SUV ang bumangga sa al fresco area nito—buti na lang at walang customer ang naiulat na nasaktan.

Pero dalawa sa staff ni Matteo na nakatalaga sa oven area ang dinala sa ospital para ipa-check up.

Ayon sa post ng mister ni Sarah Geronimo, dakong alas-kuwatro ng hapon nang bumangga ang isang SUV.

Buti na lang, nabakante na ito alas-una y medya ng hapon.

Sa kabila ng freak accident, operational pa rin ang Da Gianni, maliban sa al fresco area na inaayos.

Pansamantalang isinara ito para sa isinasagawang repair.

Ani Matteo, magsilbing paalala daw ang pangyayaring iyon na “to stay alert” at all times.

At press time, hindi pa naglalabas ng pahayag ang mga imbestigador ukol sa driver ng SUV.

Hindi naman daw magsasampa ng kaso si Matteo laban sa nakabangga.

Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here