Home HOME BANNER STORY Sirit-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

Sirit-presyo sa produktong petrolyo, asahan sa susunod na linggo

183
0

MANILA, Philippines – Asahang magpapatuloy ang sunod-sunod na taas-presyo sa produktong petrolyo sa susunod na linggo dahil sa tumitinding tensyon sa ibang bansa at malakas na demand sa merkado.

Sa inilabas na abiso nitong Biyernes, sinabi ni Jetti Petroleum president Leo Bellas na maaaring madagdagan muli ang presyo ng diesel ng ₱0.50 hanggang ₱0.70 kada litro.

Samantala, mas mabigat ang inaasahang dagdag sa gasolina na posibleng pumalo sa ₱1.40 hanggang ₱1.60 kada litro. Kapag ipinatupad sa Pebrero 17, ito na ang ika-anim na sunod na linggong pagtaas ng presyo ng gasolina habang ang produktong diesel ay posibleng umabot sa ikawalong sunod na taas presyo.

Ayon kay Bellas, nananatiling mataas at pabago-bago ang presyo ng langis sa pandaigdigang merkado dahil sa bantang sigalot sa pagitan ng United States at Iran. Dagdag pa rito ang mga ipinapataw na parusa at taripa laban sa mga bansang bumibili ng produktong langis mula sa Iran na lalo pang nagpapataas sa presyo.

Ipinunto rin na ang inaasahang pagtaas ng gasolina ay dulot ng malakas na bentahan sa rehiyon at tumataas na demand kasabay ng nalalapit na selebrasyon ng Lunar New Year. JAY Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here