MANILA, Philippines – Nagtamo ng pinsala sa pagkakahulog sa isang gusali ang isang estudyante ng De La Salle University – Manila campus kahapon Pebrero 13, 2026.
Ayon sa ulat ng opisyal na pahayagan ng unibersidad, ang estudyante ay nahulog mula ikatlong palapag ng St. La Salle Hall patungo sa green roof malapit sa Brothers’ Memorial Garden.
Agad siyang nabigyan ng medikal na atensyon at dinala sa kalapit na ospital para sa karagdagang pagsusuri.
Hinimok ng DLSU ang publiko na iwasan ang pagpapakalat ng hindi beripikadong impormasyon at igalang ang privacy ng estudyante at ng pamilya.
“Out of respect for the student’s well-being and the family’s privacy during this sensitive time, we ask for everyone’s cooperation in maintaining a supportive and compassionate environment,” saad nito. RNT/MND