MANILA, Philippines – Inihayag ng Department of Education ang planong baguhin ang school calendar sa pamamagitan ng trimester system para sa School Year 2026-2027.
Layunin nito na pahabain ang mga uninterrupted learning periods, bawasan ang workload ng guro, at mapabuti ang kalidad ng pagtuturo.
Sa ilalim ng trimester system, hahatiin ang 201 school days sa tatlong terms:
-Unang trimester: Hunyo–Setyembre
-Ikalawang trimester: Setyembre–Disyembre
-Ikatlong trimester: Enero–Marso
Bawat term ay magkakaroon ng instructional block (54–61 araw) para sa tuloy-tuloy na pagtuturo, at enrichment block para sa remediation, grading, preparasyon ng forms, at wellness break.
Sa Term 1, may espesyal na opening block para sa pagbubukas ng school year activities.
Kasama rin sa reporma ang integrasyon ng national at cultural observances sa mga aralin, sa halip na hiwalay na programa, upang hindi maantala ang pagtuturo.
Ayon kay Sonny Angara, layunin ng pagbabago na mas mahusay na pacing ng lessons, mas mahabang panahon ng pagtuturo, at mas mababang administrative burden para sa mga guro, habang pinapangalagaan ang kalidad ng edukasyon.
Maglalabas ng pormal na policy guidelines ang DepEd matapos ang konsultasyon sa mga guro, school leaders, at iba pang education stakeholders. RNT/MND