MANILA, Philippines – Pinaalalahanan ni JV Ejercito ang Chinese Embassy in the Philippines na ang tensiyon sa pagitan ng dalawang bansa ay hindi sana nangyari kung iginalang ng China ang karapatan at soberanya ng Pilipinas.
Ayon kay Ejercito, kung hindi binubully o tinataboy ng China ang mga mangingisda at ang Philippine Coast Guard, wala sana ang alitan. “Respect begets respect,” dagdag niya.
Ang pahayag ni Ejercito ay kasunod ng pagpuna ng Chinese Embassy Spokesperson Ji Lingpeng kay Senate President Vicente Sotto III at sa Senado matapos itong magpasa ng resolusyon laban sa remarks ng China ukol sa West Philippine Sea.
Binalaan rin ng embahada na maaaring magkaroon ng job losses at iba pang economic consequences kung tuluyang masira ang ugnayang diplomatiko.
Ayon sa Malacañang Palace, ang pagpapalit kay Ambassador Jing Quan ay nasa desisyon ng China. RNT/MND