LA UNION, Philippines – Tigok ang isang 49-anyos na lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman sa bayan ng Tubao ng lalawigang ito kahapon, Pebrero 13.
Ayon sa Tubao MPS, ang biktima ay isang construction worker samantalang ang 53-anyos na suspek ay isang magsasaka, parehong residente ng naturang bayan.
Base sa imbestigasyon, ang biktima at suspek kasama ang 45-anyos na witness ay nag-inuman sila sa terrace ng bahay ng suspek.
Habang nag-iinuman ay umuutang umano ng pera ang biktima sa suspek hanggang sa hindi sila magkaintidahan at magkasagutan.
Nang uminit ang kanilang sagutan ay sinaksak ng suspek ang biktima na agad nitong ikinamatay.
Arestado naman ang suspek at ngayon ay nasa kustodya ng Tubao MPS. Rolando S. Gamoso