Home NATIONWIDE PCG: Divers na sumisid sa MV Krisha Kerstin 3 sumailalim sa hyperbaric...

PCG: Divers na sumisid sa MV Krisha Kerstin 3 sumailalim sa hyperbaric oxygen therapy

215
0

MANILA, Philippines – Sumailalim ang mga Technical Divers ng Philippine Coast Guard (PCG) sa hyperbaric oxygen therapy bilang bahagi ng standard post-dive medical protocol matapos ang 16 na araw ng tuloy-tuloy na underwater search and rescue operations.

Isinagawa ang proseso upang masiguro ang kalusugan at kaligtasan ng mga diver matapos ang matagalang diving activities kaugnay ng search and rescue operations sa Basilan.

Ang hyperbaric oxygen therapy ay isang medikal na proseso na nagsisilbing pag-iingat at tumutulong maiwasan at magamot ang mga posibleng komplikasyon dulot ng diving, tulad ng decompression sickness.

Ayon kay PCG Spokesperson, Captain Noemie Cayabyab, PCG, nananatiling pangunahing prayoridad ang kapakanan ng mga tauhan.

Sinabi rin niya na ang lahat ng diving operations ay sumusunod sa mahigpit na safety standards, kabilang ang mandatory medical evaluations bago at pagkatapos ng misyon.

“Patuloy na pinapanatili ng Technical Diving Group ang kanilang kahandaan sa operasyon habang isinusulong ang pinakamataas na pamantayan ng kaligtasan at propesyonalismo sa kanilang tungkulin.” dagdag pa ni Cayabyab.

Tiniyak ng PCG sa publiko na ipagpapatuloy ang dive operations bukas, Pebrero 14, 2026.

Sa kasalukuyan, nananatili ang bilang ng nasawi sa 53, may 293 na nakaligtas, at 26 pa ang nawawala. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here