Home LIFESTYLE HEALTH DOH: HIV facilities sa bansa umabot na sa 338

DOH: HIV facilities sa bansa umabot na sa 338

325
0

MANILA, Philippines – Umabot na sa 338 ang designated HIV care facilities ng Department of Health (DOH) sa buong bansa.

Ayon sa Kagawaran, ang nasabing pasilidad ang pwedeng magbigay ng libreng HIV services alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Layon nito na patatagin ang HIV Prevention at suporta para sa mga taong may Human Immune deficiency Virus o HIV.

Sa naturang mga pasilidad libre ang mga sumusunod:

* HIV screening at confirmatory testing;

* Antiretroviral therapy at counseling;

* HIV combination prevention methods gaya ng condom, lubricant, pre-exposure prophylaxis o PREP

* Viral load testing na kailangang ng mga PLHIV na kasalukuyang umiinom ng gamot na nagpapababa ng kanilang viral load, dahilan para hindi na maging nakahahawa ang virus.

Sa mga DOH-HIV facilities na ito:

*186 HIV facilities sa Luzon;

* 77 sa Visayas at;

* 75 sa Mindanao.

Ayon pa sa DOH, may Outpatient HIV AIDS Treatment (OHAT) Package ang PhilHealth na aabot sa na sa 58,500 pesos bawat pasyente kada taon.

Paalala ng kagawaran, magtungo sa mga DOH-HIV care facilities para sa libreng HIV screening at testing dahil may available na serbisyo anuman ang resulta. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here