Home METRO Lolo utas sa suwag ng van sa Pangasinan

Lolo utas sa suwag ng van sa Pangasinan

214
0

PANGASINAN, Philippines – Hindi nakaligtas sa kalawit ni kamatayan ang isang 69-anyos na lolo matapos na bumangga ang minamaneho nitong motorsiklo sa isang reefer van sa national highway sa Brgy. Bari, Mangaldan ng lalawigang ito kaninang madaling-araw.

Ayon sa Mangaldan Municipal Police Station, ang namatay na driver ng Honda motorcycle ay residente ng San Jacinto, Pangasinan.

Ang 45-anyos na driver ng kulay puting Fuso Truck Reefer Van ay residente naman ng Rizal, Nueva Ecija.

Bumibiyahe papuntang kanluran ang motorsiklo samantalang ang reefer van ay nagmamaniobra naman, nakaharap ng timog at sakop nito ang buong highway.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, biglang bumangga ang motorsiklo sa left rear portion ng reefer van.

Agad na isinugod sa ospital  ang sugatan na driver ng motorsiklo.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here