Home ENTERTAINMENT Gabby, nagpapa-cute kay Jenny!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gabby, nagpapa-cute kay Jenny!February 14, 2026 17:521920 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi na nangiming inamin ni Jenny Syquia na nagpaparamdam through messaging ang dati niyang karelasyong si Gabby Concepcion.Jenny, 59, knows too well na hindi imposibleng magkita silang muli ni Gabby, 61.Narito kasi siya ngayon sa bansa at planong magbalik-showbiz.Matatandaang Jenny rose to fame in the 90s as model, host and actress.She had a whirlwind romance with Gabby na napangasawa niya noong 1993.After roughly two years ay naghiwalay sila na nagbunga ng isang supling, si Chloe.Aminado si Jenny na pareho silang attracted ni Gabby sa isa’t isa.But looking back, she could only wish she knew Gabby more kasi nga’y napakabilis ng pangyayari.Hindi rin daw nagkaroon ng matatag na foundation ang kanilang pagsasama–hence their separation.Gayunpaman, ibinida ni Jenny na hanggang ngayo’y suot pa din niya ang Cartier Colisee watch na bigay ni Gabby sa kanya.Ayon sa ebay, papalo ang relo nang P700K pataas.Bagama’t wala silang co-parenting setup kay Chloe, Jenny harbors no ill feelings toward Gabby.Pero they’re neither friends nor enemies daw.Ang maganda–Gabby reaches out to her through messages.Handa ba si Jenny kung sakaling magkita sila ng aktor?Sagot niya: “I’d welcome that because it was a very special time in my life. Magical time!”Jenny remarried in 1997 pero sa Swedish guy na si Filip Skarne.Nag-divorce sila noong 2022 pero nagbunga din ito ng isang anak.Narito sa bansa si Jenny dahil sa binuksang negosyo tulad ng jewelry line at service agency. Ronnie Carrasco III