Home HOME BANNER STORY Simbahang katolika, Muslim community sabay naghahanda sa paparating na Kwaresma, Ramadan

Simbahang katolika, Muslim community sabay naghahanda sa paparating na Kwaresma, Ramadan

237
0

MANILA, Philippines – Naghahanda na ang simbahang Katolika sa gaganaping Ash Wednesday sa Pebrero 18, 2026, na simbolo ng pagsisimula ng Kwaresma, gayundin naghahanda na ang komunidad ng Muslim sa pag-obserba ng Ramadan sa pamamagitan ng moon sighting na gaganapin sa Pebrero 17, 2026 (29 Shaban 1447 AH).

Ayon kay Rev. Fr. Viel Bautista, ng Manila Cathedral, nagsimula nang kolektahin ng simbahan ang mga natuyong palaspas mula sa nakaraang Palm Sunday upang sunugin at gawing abo para sa ritwal.

Hinahanda rin ang cathedral para sa inaasahang dami ng mananampalataya, kabilang ang paglilinis ng mga kumpisalan. Pinayuhan ni Bautista ang mga deboto na magsisi, magdasal, at magbigay-luwalhati sa pamamagitan ng prayer, fasting, at almsgiving bilang paghahanda sa Easter. Ipinaalala rin niya na ang pagtanggap ng abo ay hindi dapat ipalit sa pagdalo sa Misa.

Samantala, ayon sa National Commission on Muslim Filipinos Region IX-B, ang pinakamaagang pagsisimula ng Ramadan ay maaaring Pebrero 18, ngunit inaasahang Pebrero 19 ang mas malinaw na simula sa karamihan ng mundo.

Parehong selebrasyon ay mahalagang panahon ng panalangin, pag-aayuno, at pagmumuni-muni para sa mga Katoliko at Muslim sa bansa. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here