Home METRO P100K pabuya alok sa paghuli sa gunman ng ex-beauty queen

P100K pabuya alok sa paghuli sa gunman ng ex-beauty queen

180
0

ISABELA, Philippines – Umabot sa P100K reward ang alok sa kung sino mang makapagtuturo sa gunman sa pagpaslang sa dating Miss Philippines Earth 2013.

Ito ay matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay habang nasa loob ng kanilang sasakyan na nakaparada sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela.

Ang kabuan P100K reward ay tig P50K sina Isabela 5th District Cong. Faustino Michael Carlos ‘Mike’  Dy III at si Mayor Faustino Dy IV ng San Manuel, Isabela sa sinomang na makakapagbigay ng impormasyon na magreresulta sa ikadarakip ng pumatay kay dating Miss Philippines-Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo-de Guzman, 32 anyos na residente sa naturang lugar.

Agad bumuo si PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ng Special Investigation Task Force na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa krimen.

Dahil hanggang sa ngayon ay wala pang kongkretong lead ang mga imbestigador ng San Manuel Police Station sa pamumuno ni PMaj. Rogelio Natividad sa motibo o pagkakakilanlan sa pumaslang sa beauty queen.

Ipinanawagan naman ng pamilya at kamag-anak ang agarang aksyon ng San Manuel Police Station para mabigyan ng hustisya ang biktima. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here