MANILA, Philippines – Hindi naghain ng plea si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. sa malversation charge kaugnay ng umano’y P92.8-milyong Bulacan flood control project sa Sandiganbayan.
Bilang resulta, naghain ang Third Division ng korte ng not guilty plea sa kanyang pangalan sa isinagawang arraignment.
Isinumite din ang not guilty plea ng kanyang co-accused na si DPWH accountant Juanito Mendoza. Kasama rin sa kaso ang ilang DPWH Bulacan 1st District Engineering Office engineers na sina Brice Hernandez, Jaypee Mendoza, Arjay Domasig, Emelita Capistrano Juat, at cashier Christina Mae del Rosario Pineda.
Haharapin ni Revilla ang hiwalay na graft at malversation charges sa Sandiganbayan, at hindi ito ang unang kaso niya sa korte dahil dati siyang nakakulong sa plunder case kaugnay ng PDAF scam noong 2014. RNT/MND