Home METRO Estudyante utas sa saksak ng holdaper sa Rizal

Estudyante utas sa saksak ng holdaper sa Rizal

186
0

RIZAL, Philippines – Patay ang 21-anyos na working student matapos siyang masaksak habang naglalakad pauwi mula sa trabaho kasama ang isang kaibigan sa Barangay San Jose, Rodriguez, Rizal noong Pebrero 8.

Nakita sa CCTV footage na ang biktima na nakilalang si Jade Barona, kasama ang kaniyang kaibigan ay sinalakay ng tatlong lalaki upang holdapin sila.

Saad ng Rodriguez police na kinuha ng mga suspek ang bag ng kaibigan ni Barona. Tinangkang tulungan ni Barona ang kaibigan, ngunit hindi niya namalayang nasaksak na pala siya habang pilit na binabawi ang bag.

Tumakas ang mga salarin at dinala si Barona sa ospital, kung saan namatay siya.

Limang araw pagkatapos ng insidente, naaresto ang isa sa tatlong suspek, isang menor de edad, at nakumpiska ang .45 caliber pistol at mga bala mula sa kanya. Siya ay nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Sinabi ni Police Lt. Col. Arwyn Gaffud na isinasagawa ang manhunt para sa dalawang iba pang suspek. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here