Home METRO Sundalo utas, isa pa sugatan sa engkwentro vs NPA sa NegOr

Sundalo utas, isa pa sugatan sa engkwentro vs NPA sa NegOr

188
0

NEGROS ORIENTAL, Philippines – Patay ang isang sundalo at sugatan ang isa pa sa sunud-sunod na engkuwentro laban sa New People’s Army (NPA) sa Barangay Santo Niño, Tanjay City, Negros Oriental noong Pebrero 15.

Ayon kay Brig. Gen. Jason Jumawan ng 302nd Infantry Brigade, ang namatay ay isang corporal mula sa 11th Infantry Battalion sa Tapaz, Capiz.

Nangyari ang engkuwentro matapos mag-patrol ang tropa dahil sa ulat ng mga residente tungkol sa armadong grupo na nang-aabuso at nagpo-propaganda sa lugar.

Ang unang putukan ay naganap bandang 5:35 a.m., sinundan ng tatlo pang clashes hanggang 7:14 a.m. Sa 7 a.m. gun battle napatay ang corporal habang nasugatan ang kasamahan niyang Private First Class, na hindi tinamaan ng bala kundi ng mga bato.

“There’s no need for them to evacuate. We made sure the firefight does not happen in a populated area to prevent civilians from the danger,” ani Jumawan.

Ayon sa kanya, apat na remnant ng Southeast Front ang natitira ngunit pinapalakas ng Southwest Front mula Negros Occidental, na umano’y responsable sa pagpatay sa ilang sibilyan, kabilang ang 74-anyos na lola sa Kabankalan City.

Ang labi ng nasawing sundalo ay ihahatid sa kanyang bayan, at patuloy na iniimbestigahan ang NPA casualties dahil may nakitang bloodstains sa encounter site. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here