MANILA, Philippines – Pinuri ni House Committee on Suffrage and Electoral Reforms Chairman Zia Adiong ang hakbang ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) na isama bilang priority bill ang pagtakda ng petsa sa unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) election.
“The inclusion of this measure in the LEDAC priority list reflects a shared commitment between the Executive and the Legislature to protect the integrity of the Bangsamoro democratic transition,” pahayag ni Adiong.
Si Adiong ay isa sa may akda ng House Bill (HB) No. 7236, na naglalayong amyendahan ang Section 13, Article XVI ng Republic Act (RA) No. 11054, o ang Bangsamoro Organic Law at itakda sa Sept. 28, 2026 ang unang regular parliamentary elections sa rehiyon.
Ang mga susunud na eleksyon ay isasabay na sa national at local elections.
Ang pagsasagawa ng eleksyon ang syang tinuturing na huling yugto sa pagbuo ng Bangsamoro Government. Gail Mendoza