Home HOME BANNER STORY Trump sa ASEAN leaders: Kapag may problema, tawagan lang ako

Trump sa ASEAN leaders: Kapag may problema, tawagan lang ako

5
0

MANILA, Philippines — Iginiit ni US President Donald Trump na higit na lumakas ang ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Estados Unidos, na aniya’y nasa pinakamalapit nitong antas dahil sa personal niyang relasyon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

Sa kanyang talumpati sa ASEAN-US Special Summit sa Maynila nitong Martes, Nobyembre 17, sinabi ni Trump na malaki ang naging pag-unlad ng defense cooperation ng dalawang bansa.

Binigyang-diin din niya na nananatiling mahalagang kaalyado ng Estados Unidos ang Pilipinas.

Tiniyak naman ni Trump ang suporta ng Washington sa mga kaalyadong bansa sa Southeast Asia at sinabing maaari silang direktang makipag-ugnayan sa kanya kapag may problema.

“And when there’s a problem, you’ll call me,” ani Trump.

Binanggit din niya si US Secretary of State Marco Rubio bilang isa sa maaaring lapitan ng mga lider bago pabirong sinabing maaari nilang tawagan mismo ang Pangulo kung hindi agad sila matutugunan.

Nakabatay ang ugnayang pangdepensa ng Pilipinas at Estados Unidos sa 1951 Mutual Defense Treaty, na sumasaklaw sa mga obligasyon ng dalawang bansa sakaling magkaroon ng armadong pag-atake alinsunod sa kasunduan.

Nakatakda ring magsagawa ng bilateral meeting sina Marcos at Trump upang talakayin ang kooperasyon sa seguridad, kalakalan at iba pang usaping panrehiyon. Dave Medina

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here