Home NATIONWIDE Dy clan nag-alok ng P150K pabuya sa paghuli sa killer ng beauty...

Dy clan nag-alok ng P150K pabuya sa paghuli sa killer ng beauty queen sa Isabela

217
0

SAN MANUEL, Isabela – Nag-alok ang Dy clan na umabot na sa P150,000 reward sa sinumang makapagtuturo sa pagpaslang sa dating Miss Philippines Earth 2013 matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa harap ng kanilang bahay habang nasa loob ng kanyang sasakyan na nakaparada sa Barangay Cabaritan, San Manuel, Isabela.

Sa kabuuang P150,000 reward ay tig-P50,000 sina Isabela 5th District Cong. Faustino Michael Carlos ‘Mike’ Dy III at si Mayor Faustino Dy IV ng San Manuel, Isabela.

Kasama rin sa nag-alok ng pabuya si Isabela 5th District Board Member Manuel ‘King’ Dy sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon na magreresulta sa ikadarakip ng pumatay kay dating Miss Philippines-Earth 2013 runner-up Lullete Jane Ramilo-de Guzman, 32 anyos na residente sa naturang lugar.

Matandaan na binaril-patay si Ramilo-de Guzman sa harap ng kanyang bahay sa Barangay Cabarital noong Pebrero 13, 2026 ng gabi.

Nangyari ang pamamaril sa beauty queen ay nasaksihan ng kanyang tatlong anak.

Agad bumuo si PCol. Manuel Bringas, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ng Special Investigation Task Force na magsasagawa ng malalimang imbestigasyon sa krimen.

Dahil hanggang sa ngayon ay wala pang konkretong lead ang mga imbestigador ng San Maanuel Police Station sa pamumuno ni PMaj. Rogelio Natividad sa motibo o pagkakakilanlan sa pagpaslang sa beauty queen.

Kung kayat panawagan ng pamilya at kamag-anak habang nakaburol ang beauty queen ay agarang aksyon ang hiling sa San Manuel Police Station para mabigyan ng hustisya.

Samantala, dahil sa mabagal na aksyon ni PMaj. Natividad ay nagpalabas na ng direktiba si PNP Chief Jose Melancio Nartatez Jr. ng full-scale manhunt operation upang matukoy kung sino ang nasa likod ng pamamaslang sa dating beuaty queen. REY VELASCO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here