Home ENTERTAINMENT Ken, magbabalik-Pinas na!

Ken, magbabalik-Pinas na!

313
0

Manila, Philippines – Ngayong 2026 nakatakdang bumalik ng Pilipinas si Ken Chan–ito ang iniulat ng PEP.

Si Ken ang Kapuso actor na sinampahan ng kasong syndicated estafa ng kanyang mga kasosyo sa negosyo.

Ken was last seen at the GMA Gala noong July 2024–after which ay bigla na lang siyang naglaho.

Ang kaso niya’y non-bailable na maaari niyang ikabilanggo.

Ang involved na amount ay P14M halaga ng umano’y investment scam sa pagtatayo ng resto.

November 2024 nang i-serve ang warrant of arrest kay Ken sa bahay nito sa Quezon City pero walang dinatnan ang mga awtoridad.

Pero may mga nagpatunay na nakita daw ang aktor sa Taiwan at Thailand.

Mula nang masangkot sa kaso’y hindi na din naging aktibo sa social media si Ken.

Sarado din ang comment section ng kanyang Instagram account.

Ang huli pa niyang Facebook entry ay November 2024, kung saan ilalabas daw niya ang katotohanan sa likod ng kinakaharap na kaso.

Sana nga’y mangyari na ito sa kanyang pagbabalik–kelan nga ba this year? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here