Home NATIONWIDE Phase 1 ng EDSA rehabilitation target matapos sa Hulyo

Phase 1 ng EDSA rehabilitation target matapos sa Hulyo

170
0

MANILA, Philippines – Target matapos sa Hulyo ang Phase 1 ng rehabilitasyon ng EDSA ayon kay Public Works Secretary Vince Dizon nitong Lunes, Pebrero 16.

Sa isang press conference, sinabi ni Dizon na ang Phase 1, na sumasaklaw mula Roxas Boulevard hanggang Orense, ay halos 50 porsyento nang tapos.

Dagdag pa ni Dizon na ang bahagi na walang sidewalks ay inaasahang matatapos sa Mayo.

Nagsimula ang rehabilitasyon ng EDSA noong Disyembre 24, 2025, kung saan ang lahat ng reblocking at asphalt overlay ng busway lanes ay isinagawa 24 oras kada araw hanggang alas-4 ng umaga noong Enero 5, 2026.

Pagkatapos ng Enero 5, ang mga road works ay nakatakda mula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng umaga.

Mula Lunes hanggang Biyernes, isinasagawa ang asphalt overlay lane by lane para sa parehong northbound at southbound traffic, habang mula Biyernes hanggang Linggo, ang asphalt overlay at reblocking ay ginagawa, isang lane bawat direksyon.

Magpapatuloy ang iskedyul na ito hanggang Mayo 31, 2026.

Nauna nang sinabi ni Dizon na ang bagong plano para sa rehabilitasyon ng EDSA ay tatagal lamang ng walong buwan, mas maikli kaysa sa dating dalawang taong timetable. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here