Home NATIONWIDE Usapan ng Pilipinas, China sa isyu ng WPS nakadepende sa sinseridad ng...

Usapan ng Pilipinas, China sa isyu ng WPS nakadepende sa sinseridad ng embahada – Pangilinan

178
0

MANILA, Philippines – Nakadepende sa sinseridad ng Chinese embassy ang posibleng usapan sa pagitan ng mga Senador at opisyal ng China, ayon kay Senador Francis “Kiko” Pangilinan nitong Lunes, Pebrero 16.

Ayon kay Pangilinan, nauunawaan niya ang panawagan ni Senate President Pro Tempore Panfilo Lacson para sa isang dialogue bilang bahagi ng pagpapahupa ng tensyon, lalo na sa nangyaring palitan ng maiinit na salita sa ilang senador kabilang si Senate President Vicente Sotto III, at mga opisyal ng embassy kabilang si Chinese Embassy spokesperson Ji Lingpeng.

Sa kabila nito, nagpahayag ng pagdududa si Pangilinan sa intensyon ng embahada at sinabing ito ang unang pagkakataon na nakita niya ang ganitong uri ng kawalan ng paggalang mula sa isang foreign mission, sa mga nakaupong senador.

“We understand the suggestion of Sen Ping. We do not want to add tensions but all of these would depend on the response of China to the proposal. If the Chinese Embassy is sincere in pursuing a dialogue or not,” ani Pangilinan.

“It’s hard to trust them. In my four terms as a Senator and for over two decades, it is only now that I and other government officials and institutions experienced profanities from the Chinese embassy.”

Kalaunan ay sinabi ni Pangilinan na kung nais ng embahada na turuan ng leksyon ang mga senador kaugnay sa diplomasya, maaaring kumuha na lamang sila ng ibang magtuturo.

“If they would just lecture Senators about diplomacy, we can forgo these talks, they would have to look for somebody else to talk to,” ayon sa senador. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here