Home METRO Kanlaon, muling nag buga ng abo

Kanlaon, muling nag buga ng abo

180
0

NEGROS OCCIDENTAL, Philippines – Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng ashfall emissions mula sa Bulkang Kanlaon noong Lunes, na lumikha ng kulay-abong plume.

Mula 1:10 hanggang 1:13 p.m., umabot sa 150 metro ang taas ng plume mula sa summit crater at inanod patimog-kanluran sa Canlaon City. Sa loob ng 24 oras, nakapagtala rin ng anim na volcanic earthquakes.

Ayon sa Phivolcs, may sulfur dioxide flux na 1,124 tonelada kada araw noong Linggo.

Patuloy ding naglalabas ang bulkan ng mahinang plume na may taas na 50 metro at binabantayan ang ground deformation para sa posibleng pagbabago.

Nananatili ang Alert Level 2 sa Kanlaon, na nangangahulugang may pagtaas ng aktibidad.

Ipinagbabawal ang pagpasok sa loob ng 4-kilometrong radius ng Permanent Danger Zone. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here