Home METRO Labi ng nawawalang biyuda ng barangay chair sa Angeles City, nakita sa...

Labi ng nawawalang biyuda ng barangay chair sa Angeles City, nakita sa kanilang bakuran

183
0

PAMPANGA, Philippines – Natagpuan ang labi ni Maria Teresa “Tess” Mamac, biyuda ng yumaong chairman ng Barangay Balibago, Angeles City, sa loob ng kanilang compound noong Lunes, ayon sa pulisya.

Ang katawan ni Mamac ay natagpuan limang talampakan sa ilalim ng lupa sa isang hukay malapit sa piggery ng kanilang bahay bandang 5 p.m.

Ani Police Colonel Joselito Villarosa Jr., hepe ng Angeles City Police, isasailalim sa autopsy ang labi upang matukoy ang sanhi ng kamatayan.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon, kabilang ang paghahanap sa driver ng pamilya na tinukoy bilang person of interest, at ang motibo sa pagpatay.

Sa isang Facebook post, ipinahayag ni Pampanga 1st District Rep. Carmelo Lazatin Jr. ang pakikiramay sa pamilya Mamac at kinondena ang “hindi makatarungang pagpatay.” Nag-alok siya ng P200,000 reward sa makapagtuturo sa suspek.

Batay sa CCTV footage, may naitalang sigaw bandang 7:30 p.m. noong Pebrero 12 sa loob ng bahay, na pinaniniwalaang galing kay Mamac.

Ipinakita rin ng surveillance ang driver ng pamilya na lumabas at bumalik sa compound bago ang insidente, at ang white SUV ng pamilya na lumabas ng compound bandang 8:30 p.m. na natagpuan na abandonado sa Magalang municipal plaza.

Natagpuan din ng pulisya ang mga bakas ng dugo sa pader, wheelbarrow, washing machine, at gripo sa bahay ni Mamac.

Naghihintay pa ang awtoridad sa resulta ng forensic examination ng mga ebidensya. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here