Home NATIONWIDE Cha-Cha, ‘di napag-uusapan sa ngayon – Malakanyang

Cha-Cha, ‘di napag-uusapan sa ngayon – Malakanyang

154
0

MANILA, Philippines – Sa ngayon ay hindi napag-uusapan sa anumang pulong sa Malakanyang ang panukala ukol sa Charter Change (Cha-Cha).

Sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, hindi nabibigyan ng pansin kung anuman ang suhestiyon sa bagay na ito.

“Sa ngayon po, hindi po iyan napag-uusapan sa anumang pagpupulong. Hindi po nabibigyan ng pansin kung anuman po ang suhestiyon patungkol sa charter change sa ngayon,” ayon kay Castro.

Ikokonsidera lamang aniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang usaping ito kapag naihain na sa kanya ang konteksto.

“So, kung mailalatag po nila malamang kung ano po ang nilalaman nito, saka pa lamang po ito bibigyan ng pagkonsidera ng Pangulo. Pero sa ngayon, wala po talagang napag-uusapan tungkol diyan,” dagdag na wika ni Castro.

Tumanggi naman si Castro na magkomento kung susuportahan ng Pangulo ang panukala sakali’t mayroong plebesito.

“Depende po sa nilalaman ng charter change. Sa ngayon po, muli, wala pong napag-uusapan tungkol diyan,” aniya pa rin.

Maliban sa Anti-Political Dynasty bill, itinutulak ng mga mambabatas ang panukalang cha-cha. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here