MANILA, Philippines – Inihayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na wala silang mino-monitor na low-pressure area (LPA) o bagyo sa loob o malapit sa Philippine Area of Responsibility (PAR) nitong Martes, Pebrero 17.
Ayon kay PAGASA weather specialist Veronica Torres, ang northeast monsoon o amihan ay nakakaapekto sa Extreme Northern Luzon, habang ang easterlies o mainit na hanging mula sa Karagatang Pasipiko ay nakaaapekto sa natitirang bahagi ng bansa.
Base sa pinakahuling satellite image, halos walang kaulapan sa malaking bahagi ng bansa kaya inaasahan ang maaliwalas na panahon.
Gayunman, maaari pa ring makaranas ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, Visayas, at Mindanao ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may posibilidad ng localized thunderstorms. RNT/MND