Home METRO Ulan, ‘di umubra sa higit kalahating milyong dumagsa sa Binondo para sa...

Ulan, ‘di umubra sa higit kalahating milyong dumagsa sa Binondo para sa Chinese New Year 2026

210
0

MANILA, Philippines – Hindi natinag ang mga bumisita sa Binondo, Maynila upang saksihan ang pagdiriwang ng Chinese New Year ngayong araw kahit pa bumuhos ang malakas na ulan.

Isa sa naging aktibidad ng Filipino-Chinese Community sa Chinese New Year ay float parade kung saan kasama si Manila Mayor Isko Moreno-Domagoso.

Suot ang kulay pulang polo shirt at sumbrero bilang maswerteng kulay base sa kasabihan ng mga Tsino para sa Year of the Fire Horse.

Ayon sa Manila Police District (MPD), dinagsa ng mga turista at bisita ang lugar ng kalakalan o Binondo area dahil sa magarbong selebrasyon.

Sa pagsalubong ng Lunar New Year 2026, dinagsa ang Jones Bridge para sa magarbong fireworks display at drone show na inilatag sa Filipino-Chinese Friendship Bridge.

Ngayong araw, Pebrero 17, bagamat bumuhos ang malakas na ulan, iniulat ng MPD na umabot ang crowd estimate o mga dumagsa sa Binondo sa mahigit kalahating milyong indibidwal.

Nagsimula ang Grand Parade alas-12 ng tanghali sa Jones Bridge at inikot ang buong Binondo at Sta. Cruz area.

Bilang bahagi ng pagdiriwang, naghahagis ng ampao na may lamang pera kung saan karamihan na sa mga nag-aabang ay ginawa nang pangsalo ng ampao ang dala-dala nilang mga payong na pananggalang sana sa buhos ng ulan.

Mahigpit naman ang seguridad sa lugar kung saan nagbigay ng traffic assistance at route security ang kapulisan ng MPD sa buong aktibidad upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan ng pagdiriwang. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here