CAMARINES NORTE, Philippines – Isang magnitude 4.3 na lindol ang naramdaman sa baybayin ng Camarines Norte nitong Martes, Peb. 17, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Ayon sa Earthquake Information No. 1 ng Phivolcs, naganap ang lindol ng 2:01 a.m., na may epicenter na 67 kilometro hilagang-silangan ng Tinaga Island sa Vinzons, Camarines Norte.
Ang lindol ay may lalim na 10 kilometro at tectonic ang pinagmulan. Naitala ang Instrumental Intensity I sa Mercedes, Camarines Norte.
Walang inaasahang pinsala o aftershocks, ayon sa ahensya. RNT/MND