Home NATIONWIDE 24/7 EDSA rehab, isasagawa ngayong Semana Santa – DPWH

24/7 EDSA rehab, isasagawa ngayong Semana Santa – DPWH

191
0

MANILA, Philippines – Plano ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na muling magsagawa ng 24/7 na pagkukumpuni sa kahabaan ng EDSA ngayong Semana Santa upang mapabilis pa ang proyekto.

Ang unang bahagi ng rehabilitasyon mula Roxas Boulevard hanggang EDSA Orense sa Makati, na nagsimula noong Disyembre 24, 2025, ay halos 50 porsyento nang natapos.

Layon nito na matapos ang kalsada o carriageway pagsapit ng Mayo at ang pagpapabuti ng sidewalks ay matatapos naman sa Hulyo 2026.

Sinabi ni Highways Secretary Vince Dizon na hihingi sila ng permiso sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na mag-24/7 ulit kung saan walang masyadong tao sa Metro Manila tuwing Holy Week para mapabilis pa lalo,” sabi niya sa isang press conference.

Sa kasalukuyan, ang DPWH ay nagsasagawa lamang ng road reblocking at asphalt overlay sa EDSA mula 10 ng gabi hanggang 4 ng umaga upang mabawasan ang abala sa trapiko.

Dagdag pa ni Dizon, sisimulan na rin nila ang proseso ng procurement para sa Phase 2 ng EDSA Rehabilitation Project, na sasaklaw mula Orense hanggang Cubao sa Quezon City. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here