Home HOME BANNER STORY Pagbabalik ni Zaldy Co sa bansa, tututukan ng DFA – SILG Remulla

Pagbabalik ni Zaldy Co sa bansa, tututukan ng DFA – SILG Remulla

170
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na ang Department of Foreign Affairs (DFA) na ang hahawak sa mga hakbang para maibalik sa Pilipinas ang dating kongresista na si Zaldy Co.

Ayon kay Remulla, nakasalalay ito sa diplomatic channels at legal na proseso ng DFA.

“Hindi na sa akin ‘yan. Sa DFA na ‘yan. Sila ang bahalang gumawa ng hakbang sa hanay ng diplomasya para makuha ‘yan,” aniya.

Dagdag pa niya, hindi pa nirereport ng Department of the Interior and Local Government (DILG) si Co sa Interpol, dahil nakadepende ito sa mga pormal na kasong maisasampa at sa estado ng imbestigasyon.

“Wala pa. Hindi pa namin pinapasok ‘yun. Depende ‘yan sa mga charges na lalabas. So titignan natin,” dagdag niya.

Si Co ay nahaharap sa kasong korapsyon at malversation of public funds kaugnay ng umano’y P289 milyong flood control project sa Oriental Mindoro na isinampa ng Ombudsman sa Sandiganbayan noong Nobyembre 18, 2025.

May mga warrant of arrest na rin laban sa kanya at iba pang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at mga direktor ng Sunwest Corp.

Nasa ibang bansa si Co nang lumabas ang mga akusasyon at iniulat na nakita siya sa Stockholm, Sweden. Itinanggi niya ang mga paratang at nagbitiw na sa kanyang puwesto sa Kamara. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here