Home NATIONWIDE Malakanyang sa inihayag ng ICC na ‘co-perpetrators’ ni Digong: Pinas, susunod lamang...

Malakanyang sa inihayag ng ICC na ‘co-perpetrators’ ni Digong: Pinas, susunod lamang sa Interpol

166
0

MANILA, Philippines – Sinabi ng Malakanyang na kung ano ang nangyaring pag-aresto kay dating Pangulong Rodrigo “Digong” Roa Duterte ay mangyayari rin sa mga di umano’y co-perpetrators nito sa crimes against humanity.

”Yun po ang nangyari before at ‘yan din po ang mangyayari ngayon,” ayon kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer.

Ani Castro, susunod lamang kasi ang gobyerno ng Pilipinas sa commitments nito sa Interpol matapos isiwalat ng Office of the Prosecutor ng International Criminal Court (ICC) ang mga di umano’y co-perpetrators ni Digong Duterte sa nasabing krimen.

”Kung ito naman ay legal process na nanggagaling po sa ICC, hindi naman po natin ito pwedeng pakialaman dahil ang kasong ‘yan ay naisampa noon pa, 2017, at hindi pa po Pangulo si Pangulong Marcos Jr. Kung dadaan sa proseso, ‘yun naman po ang nais ng pamahalaang ito, ang ginagawa ng pamahalaang ito ay dumadaan lahat sa proseso,” ayon kay Castro.

Samantala, ayon sa Document Containing the Charges (DCC) na isinumite ng Prosecution, ang mga co-perpetrators ni Digong Duterte sa “common plan” para “neutralize ang mga di umano’y kriminal sa pamamagitan ng “violent crimes including murder” ay sina:

Senator Ronald ”Bato” dela Rosa; Vicente Danao; Camilo Cascolan (deceased); Oscar Albayalde; Senator Bong Go; Dante Gierran; Isidro Lapeña; Vitaliano Aguirre II; at ibang miyembro ng Philippine National Police at high-ranking officials.

Sa ngayon, wala pang arrest warrants ang ipinalalabas laban sa mga nasabing personalidad. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here