Home METRO Lalaki, natagpuang patay matapos mahulog sa bangka sa Samar

Lalaki, natagpuang patay matapos mahulog sa bangka sa Samar

142
0

SAMAR, Philippines – Natagpuang patay ang isang lalaking napaulat na nahulog mula sa motorboat matapos ang pitong araw na search and retrieval operations sa ilog ng San Jorge, Samar.

Ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng San Jorge, nadiskubre ang bangkay bandang 12:40 p.m. na nakasabit sa kumpol ng kawayan malapit sa pampang, kung saan pinaniniwalaang inanod at naipit ng malakas na agos ng tubig.

Nag-ugat ang insidente sa umano’y pagtaob ng motorboat noong Pebrero 10 sa pagitan ng Poblacion 2 at Barangay Cagtoto-og, kung saan isang pasahero ang nawawala matapos tangayin ng agos. Dahil sa mahinang signal, bandang 6:24 p.m. na naiulat ang insidente.

Naantala ang agarang pagresponde dahil sa masamang panahon, pagbaha, at malakas na agos ng ilog.

Nagsimula ang pormal na paghahanap kinabukasan at tumagal ng isang linggo, katuwang ang iba’t ibang ahensya at mga boluntaryo.

Bandang 2:50 p.m. noong Lunes, nakumpleto ang retrieval at kinilalang ang bangkay ay ang nawawalang pasahero.

Pormal itong inilipat sa pamilya bandang 7:29 p.m. ng parehong araw. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here