Home HOME BANNER STORY 10 raid vs Atong Ang, bigo — Remulla

10 raid vs Atong Ang, bigo — Remulla

238
0

MANILA, Philippines – Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla na nabigo ang mga awtoridad na mahanap si negosyanteng Atong Ang matapos ang 10 raid na isinagawa noong nakaraang linggo.

Ayon kay Remulla, batay ang mga operasyon sa bagong intelligence reports ngunit wala si Ang sa mga pinuntahang lugar. “Naka-sampong raids kami last week, negative lahat ng sites na pinuntahan namin. Pero, tuloy-tuloy ito. Mahahanap at mahahanap namin iyan,” aniya.

Bagama’t may ulat na posibleng umalis na ng bansa si Ang, naniniwala ang mga awtoridad na nasa Pilipinas pa rin siya. Nauna nang itinanggi ng gobyerno ng Cambodia na nasa kanilang bansa si Ang.

May mga warrant of arrest laban kay Ang kaugnay ng mga kasong kidnapping with homicide at kidnapping and serious illegal detention sa kaso ng mga nawawalang sabungero. Humiling na rin ang Pilipinas ng Interpol red notice laban sa kanya. Itinaas na sa P20 milyon ang pabuya para sa impormasyong magtuturo sa kanyang kinaroroonan.

Itinanggi ni Ang ang mga paratang. Ayon sa kanyang abogado na si Atty. Gabriel Villareal, “premature” at “legally questionable” umano ang warrant of arrest na inilabas ng korte sa Laguna. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here