Home NATIONWIDE Delivery ng Sabrah tanks, inaasahang makumpleto ngayong taon – PH Army

Delivery ng Sabrah tanks, inaasahang makumpleto ngayong taon – PH Army

210
0

MANILA, Philippines – Inaasahan ng Philippine Army na makumpleto ang deliveries ng Sabrah light tanks ngayong taon, na magpapalakas sa kanilang armored capabilities.

Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete, may siyam nang Sabrah tanks ang kasalukuyang ginagamit, habang 18 pa ang hinihintay na maideliver.

Ang mga Sabrah tanks, na gawa ng Israeli defense firm na Elbit Systems, ang kauna-unahang armored vehicle ng Army na may 105mm cannon.

Ang proyekto, na bahagi ng Horizon 2 ng AFP Modernization Program, ay nagkakahalaga ng humigit-kumulang P9.4 bilyon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here