MANILA, Philippines – Bilang paggunita sa ika-40 anibersaryo ng 1986 Edsa People Power Revolution sa Pebrero 25, nanawagan ang CBCP sa mga mananampalataya na “alalahanin, magsisi, at tumugon.”
Ayon kay Archbishop Gilbert Garcera, ang mapayapang rebolusyon na nagpabagsak sa diktadura ay nananatiling espiritwal at moral na hamon.
Hinikayat ng CBCP na buhayin ang diwa ng Edsa sa pamamagitan ng pagsasalaysay ng kwento nito at pagpapaalab ng tapang at pananagutan para sa kabutihan ng lahat.
Binigyang-diin ang pagsisisi sa mga kasalanang personal at kolektibo, pati na ang pagtugon sa mga hamon ng lipunan nang may katapatan, pagmamahal, at integridad.
Tinawag nila ang bansa sa isang “rebolusyon ng puso” na magsisimula sa tahanan, parokya, at komunidad.
Kasabay nito, naghanda ang mga parokya at diyosesis ng mga misa at panalangin bilang bahagi ng paggunita. Jocelyn Tabangcura-Domenden