Home ENTERTAINMENT Paulo, rumesbak sa stalker!

Paulo, rumesbak sa stalker!

175
0

Manila, Philippines – Tama bang pati privacy ng isang artista’y pinakikialaman ng mga fans–o stalkers silang matatawag?

Kumilos na kasi si Paulo Avelino laban sa mga intruders na ito.

Sukat ba namang pinupuntahan na siya sa bahay para kunan ng video?

Ang siste, gusto nilang malaman kung doon na nakatira si Kim Chiu!

As in nakatambay na sila sa tapat ng bahay ng aktor.

Dahil napikon na, ipinost ni Paulo ang mukha ng mga stalkers na ‘yon.

Deklara ni Paulo sa X: “Since ilang araw n’yo rin naman kinukunan ng picture at video ang labas ng bahay namin, okey din lang siguro na i-post ko ‘yung mga picture n’yo para patas lang!”

Hayun, natigalgal nang ‘di oras ang mga stalker!

Nagpaalala naman ang mga netizens to stay safe, at the same time, kinol nila ang atensyon ng mga stalkers.

“Mahiya naman kayo!”

“Give them privacy, they deserve personal space and respect. We need to set boundaries as fans.

“They bring happiness to us, but that doesn’t mean it’s okay to go to their homes or take private photos. Real fans would never invade their privacy!”

Dahil alarming nga ito kung kaya’t pinag-iingat ang aktor.

Dapat daw ay alam ng ibang fans ang kanilang mga limitasyon. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here