MANILA, Philippines – Muling pinagtibay ng Pilipinas at South Korea ang kanilang commitment na palakasin ang bilateral ties at galugarin ang mga bagong oportunidad para sa ‘investment at economic cooperation.’
Nabuo ang commitment nang makipagpulong si Executive Secretary Ralph Recto kay South Korean Ambassador to the Philippines Lee Sang-Hwa, araw ng Lunes.
Ayon sa kalatas mula sa Office of the Executive Secretary (OES), araw ng Martes, tinalakay sa nasabing miting ang mga plano para mas lalo pang palalimin ang bilateral ties at galugarin ang mga oportunidad na magpapahusay na mapadali at mapagaan ang pagnenegosyo at makahikayat ng mas maraming Korean investments sa Pilipinas.
“Executive Secretary Recto assured the Ambassador that the government is proactively addressing investor concerns to make the Philippines a more competitive and secure investment destination,” ang sinabi ng OES.
Siniguro naman ni Lee sa gobyerno ng Pilipinas ang malakas na suporta ng South Korea para sa pagho-host ng Association of Southeast Asian Nations’ meetings ngayong taon, sabay sabing matindi ang interest ng Seoul sa pagtatatag ng mas malakas na relasyon sa rehiyon.
Isinagawa ang pulong habang ang dalawang bansa ay naghahanda para sa pagdiriwang ng ika- 77 anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatikong relasyon noong Marso.
Samantala, ang mga opisyal ng Pilipinas na dumalo sa miting ay sina OES Senior Deputy Executive Secretary Maria Luwalhati Dorotan Tiuseco at Undersecretaries Erwin Sta. Ana and Facundo Palafox IV, kasama si Presidential Anti-Organized Crime Commission executive director, Undersecretary Benjamin Acorda Jr. (KRIS JOSE)