MANILA, Philippines – Ayon sa Department of Justice (DOJ), ang sinumang tumutulong o tumatangkilik kay fugitive businessman Charlie “Atong” Ang ay maaaring managot sa batas.
Ayon kay DOJ spokesperson Polo Martinez, ang pagtulong sa pagtakas ng nahuling tao ay maituturing na obstruction of justice o accessory sa krimen depende sa sitwasyon.
Si Ang ay wanted kaugnay sa pagkawala at pagkamatay ng mga cockfighting enthusiasts at nakatakas sa kabila ng 10 raids sa loob ng isang linggo.
Naglabas na ng ikatlong warrant ang San Pablo City court, habang PHP20 milyon ang reward ng DILG para sa impormasyong magtuturo sa kanyang pag-aresto. \
Lahat ng 20 co-accused niya, kabilang ang dating at aktibong pulis, ay naaresto na. RNT/MND