Home NATIONWIDE Bagong PCCI leadership, mas magpapalakas sa pamahalaan, pribadong kolaborasyon

Bagong PCCI leadership, mas magpapalakas sa pamahalaan, pribadong kolaborasyon

126
0

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng kumpiyansa ang Malakanyang ukol sa pagpapalakas ng pagtutulungan sa pagitan ng gobyerno at pribadong sektor sa ilalim ng bagong liderato ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI).

Ito’y matapos pangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang induksyon ng mga bagong halal na PCCI Board of Directors at mga opisyal, noong Pebrero 13, ang nakasaad sa kalatas ng Office of the Executive Secretary (OES).

Tiniyak naman ni Recto sa pribadong sektor na ito’y “always have a seat at the table” sa ilalim ng administrasyong Marcos.

“Having worked closely with PCCI as Finance Chief, Recto expressed his confidence that the new leadership will deepen government and private sector collaboration in advancing national priorities, specifically in cutting red tape, making more jobs, and bringing in investments— all to better the lives of the Filipino people,” ang sinabi ng OES.

Ang bagong set ng mga lider ay magsisilbi sa PCCI mula 2026 hanggang 2027.

Ang PCCI ay isang non-profit organization, na layong magkipag- ugnayan sa gobyerno para sa pag unlad ng mga kooperatiba sa bansa sa pamamagitan ng mga polisiya. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here