Narekober ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat pang bangkay sa isinagawang underwater operations noong Martes, kaya umabot na sa 62 ang bilang ng mga nasawi sa paglubog ng M/V Trisha Kerstin 3.
Ayon sa PCG, nasa 293 katao ang nakaligtas sa insidente, habang 17 iba pa ang nananatiling nawawala.
“The PCG emphasizes that these figures are consolidated through the joint validation efforts of the Philippine National Police-Scene of the Crime Operatives (PNP-SOCO), City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO), Coast Guard District Southwestern Mindanao (CGDSWM), and the affected families who conduct daily coordination with interagency search and rescue authorities,” ayon sa PCG.
Umalis ang barko mula sa Port of Zamboanga City patungong Jolo, Sulu noong gabi ng Enero 25 ngunit lumubog sa karagatan ng Basilan kinabukasan, Enero 26.
Nauna nang sinabi ng Department of Transportation na posibleng overloading ang isa sa mga dahilan ng trahedya, batay sa bilang ng mga nasawi, nakaligtas, at nawawala kumpara sa pinahihintulutang passenger capacity ng barko. Mary Anne Sapico