Home HOME BANNER STORY 15-anyos utas sa tarak ng 16-anyos sa iskul

15-anyos utas sa tarak ng 16-anyos sa iskul

171
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang 15-anyos na estudyante matapos siyang saksakin sa dibdib ng isang 16-anyos na kapwa mag-aaral sa loob ng kanilang paaralan sa Floridablanca, Pampanga.

Ayon sa pulisya, nagkaroon ng alitan ang dalawang estudyante na nauwi sa suntukan. Matapos silang maawat, umano’y kinuha ng 16-anyos ang patalim mula sa kanyang bag at sinaksak ang biktima.

Agad na dinala sa ospital ang biktima ngunit binawian din siya ng buhay dahil sa tinamong sugat.

Dahil kapwa menor de edad ang sangkot, isinangguni ang kaso sa Municipal Social Welfare and Development Office.

Sinampahan na ng reklamong homicide ang 16-anyos na estudyante at kasalukuyang nasa kustodiya ng shelter na pinangangasiwaan ng lokal na pamahalaan ng Floridablanca.

Patuloy pang sinusubukan ng mga awtoridad na makakuha ng pahayag mula sa pamilya ng biktima at panig ng suspek. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here