MANILA, Philippines – Karamihan sa mga Pilipino ang naniniwalang hindi pinahahalagahan ng mga halal na opisyal ang pananaw ng publiko, ayon sa pinakabagong survey ng OCTA Research.
Isinagawa ang survey mula Disyembre 3 hanggang 11, 2025, sa 1,200 adult Filipino. Tinanong ang mga respondent: “In your opinion, do elected officials (in Congress and local government) value what people like you think?”
Lumabas sa resulta na 61% ng mga respondent ang nagsabing hindi isinasaalang-alang ng mga politiko ang kanilang pananaw, habang 31% ang naniniwalang pinahahalagahan ng mga opisyal ang opinyon ng publiko. May 31% naman na undecided.
Batay sa socioeconomic class, 61% ng mga respondent mula sa Classes A, B, at C ang nagsabing hindi pinahahalagahan ng mga politiko ang kanilang pananaw, habang 28% ang nagsabing pinahahalagahan ito at 11% ang undecided.
Sa Class D, 61% ang nagsabing hindi isinasaalang-alang ng mga opisyal ang kanilang pananaw, 30% ang nagsabing pinahahalagahan ito, at 9% ang undecided.
Sa Class E, 57% ang nagsabing hindi pinahahalagahan ng mga politiko ang kanilang opinyon, habang 41% ang nagsabing pinahahalagahan ito at 3% ang undecided.
Ayon sa OCTA Research, may margin of error na ±3% ang survey, at maaaring hindi umabot sa 100% ang kabuuan ng mga bilang dahil sa rounding off. Dave Baluyot