Home NATIONWIDE SK chair binatikos sa ‘dugyot’ na siopao-hotdog incident

SK chair binatikos sa ‘dugyot’ na siopao-hotdog incident

189
0

MANILA, Philippines – Umani ng batikos online ang isang Sangguniang Kabataan (SK) chairperson sa Santa Cruz, Laguna matapos mag-viral ang video kung saan makikitang hinahawakan niya nang walang gloves ang siopao at hotdog sa loob ng isang convenience store.

Nauna nang nagpahayag ng pangamba ang netizens sa posibleng health at hygiene risks dulot ng ginawa ni SK chair Mark Adrian Napiza.

Humingi ng paumanhin si Napiza at inaming mali ang kanyang ginawa.

“Unang una po, inaamin ko na ang aking naging kilos sa nasabing video ay hindi tama at hindi po nararapat, kahit na ito po ay ginawa ko lamang bilang biro na parte ng aking video content kasama ng aking mga kaibigan at walang anumang hangad na masamang intensyon,” ani Napiza sa kanyang pahayag.

Nilinaw din niya na binili niya ang lahat ng pagkain na kanyang nahawakan.

“Gusto ko pong ipagbigay alam na ang lahat ng aking nahawakang pagkain ay aking kinuha at binayaran nang mismong oras at araw na din na iyon,” aniya.

Sinabi rin ni Napiza na humingi na siya ng paumanhin sa pamunuan ng convenience store at nakikipag-ugnayan na sa Sangguniang Kabataan Pederasyon at Department of the Interior and Local Government, at handa siyang tanggapin ang anumang hakbang ng mga awtoridad. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here