Home NATIONWIDE Pag-iisyu ng guarantee letters gagawing digital ng DSWD

Pag-iisyu ng guarantee letters gagawing digital ng DSWD

187
0

MANILA, Philippines – Gagawing digital na ang pag-iisyu ng guarantee letters (GL) kasabay ng layunin ng pamahalaan na gawing accessible pa ang mga social service, ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) nitong Miyerkules, Pebrero 18.

Sa panayam, sinabi ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao na inatasan siya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na siguruhing magiging madali ang access ng publiko sa mga serbisyo ng pamahalaan.

Dahil dito ay inaasahan na ang pagbibigay ng guarantee letters sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program sa pamamagitan ng automated system.

”Ang utos po ng Pangulong Marcos Jr. tiyakin na maging convenient sa ating mga kababayan, yung pag-access sa mga services ng ating pamahalaan na hindi mo na kinakailangan pang pumila para po makatanggap ng tulong. Kaya meron din tayong isinusulong na automated client system para sa ating AICS program,” ani Dumlao.

”At ‘yung issuance ng guarantee letter, automatic na po iyon doon sa service provider. Inaayos na lamang po, merong mga konting enhancements na lang doon sa system. And in-expect natin na within this first semester ay matatapos na ‘yung first phase which is for the guarantee letter,” dagdag pa niya.

Naunang sinabi ni Dumlao na nagpatuloy na ang ahensya sa pagbibigay ng GL noong Enero 5 matapos suspendihin noong Nobyembre bilang bahagi ng annual year-end financial closing.

Ang GL ay dokumentong iniisyu ng DSWD sa eligible beneficiaries upang masiguro ang pagbabayad sa aprubadong medical at burial expenses sa accredited service providers. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here