Home SPORTS Malonzo umatras sa Gilas Window 2SPORTSSPORTS BANNER STORYTOP STORIES Malonzo umatras sa Gilas Window 2February 18, 2026 13:402150 FacebookTwitterPinterestWhatsApp NABAWASAN ng isang manlalaro ang Gilas Pilipinas matapos umatras si Jamie Malonzo para sa Window 2 ng FIBA World Cup Asian qualifiers.Kinumpirma ni head coach Tim Cone na inimbitahan si Malonzo ngunit nananatili ito sa Estados Unidos kaya hindi makakasama sa kanila.May nakatakdang laban ang koponan kontra New Zealand Tall Blacks at Australia Boomers sa mga susunod na araw.Si Malonzo ang ikatlong miyembro ng pool na hindi available, maliban kina Kai Sotto at Quentin Millora-Brown na may kanya-kanyang dahilan.Dahil dito, bumagsak sa siyam ang dumadalong mga manlalaro sa ensayo, kung saan nadagdag lamang si Dwight Ramos mula sa overseas-based group.Nagpatawag din ng karagdagang players mula sa PBA at collegiate ranks upang punan ang kakulangan sa lineup.GP