Home NATIONWIDE Detalye ng nuclear test ng China binuking ng US

Detalye ng nuclear test ng China binuking ng US

216
0

UNITED STATES — Naglabas ang isang senior US official ng umano’y bagong detalye kaugnay ng sinasabing underground nuclear test ng China noong Hunyo 2020.

Sa isang forum sa Hudson Institute sa Washington, sinabi ni Assistant Secretary of State Christopher Yeaw na nakapagtala ang isang remote seismic station sa Kazakhstan ng magnitude 2.75 na “explosion” na nagmula umano sa Lop Nor test site sa kanlurang China noong Hunyo 22, 2020.

Ayon kay Yeaw, hindi tugma ang datos sa mining blast o lindol.

“I’ve looked at additional data since then. There is very little possibility I would say that it is anything but an explosion, a singular explosion,” ani Yeaw.

“It’s also entirely not consistent with an earthquake,” said Yeaw, a former intelligence analyst and defense official who holds a doctorate in nuclear engineering. “It is … what you would expect with a nuclear explosive test.”

Gayunman, sinabi ng Comprehensive Test Ban Treaty Organization (CTBTO) na kulang ang datos upang kumpirmahin ang paratang nang may sapat na katiyakan.

Ayon kay CTBTO Executive Secretary Robert Floyd, dalawang maliit na seismic events na may pagitan na 12 segundo ang naitala ng PS23 station sa Kazakhstan.

Aniya, mas mababa ang lakas nito sa threshold na karaniwang tumutukoy sa nuclear test explosion.

Mariing itinanggi ng Chinese embassy sa Washington ang alegasyon at tinawag itong “entirely unfounded” at isang tangkang gumawa ng dahilan upang muling ipagpatuloy ng US ang nuclear testing.

“This is political manipulation aimed at pursuing nuclear hegemony and evading its own nuclear disarmament responsibilities,” ayon sa tagapagsalita ng embahada na si Liu Pengyu.

“China urges the US to reaffirm the five nuclear-weapon states’ commitment on refraining from nuclear tests, uphold the global consensus against nuclear tests, and take concrete steps to safeguard the international nuclear disarmament and non-proliferation regime,” dagdag pa nito.

Huling nagsagawa ng opisyal na underground nuclear test ang China noong 1996. Parehong lumagda ngunit hindi pa niraratipikahan ng US at China ang 1996 treaty na nagbabawal sa nuclear testing.

Samantala, pinatitindi ni US President Donald Trump ang panawagan sa China na makiisa sa US at Russia sa bagong kasunduan kapalit ng New START treaty na nag-expire noong Pebrero 5, na nagdulot ng pangamba sa posibleng pagbilis ng global nuclear arms race.

Ayon sa Pentagon, may mahigit 600 operational nuclear warheads na ang China at inaasahang lalampas sa 1,000 pagsapit ng 2030. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here