Home SPORTS World No. 8 taob kay Eala

World No. 8 taob kay Eala

196
0

NAKAPAGTALA ng isa sa pinakamalaking panalo sa kanyang batang karera si Alex Eala matapos pabagsakin ang world no. 8 na si Jasmine Paolini sa Dubai Duty Free Tennis Championships.

Sa laban sa Center Court, nanaig si Eala sa iskor na 6-1, 7-6(5) laban sa defending champion ng torneo sa isang dikdikang pagtatapos ng second set.

Ipinakita ng Filipina netter ang kombinasyon ng lakas at composure sa gitna ng matinding tensyon, lalo na sa tiebreak kung saan kinailangan niyang kontrolin ang emosyon.

Ayon kay Eala, ramdam niya ang suporta ng maraming Pilipino sa venue kahit hatinggabi na sa oras ng Pilipinas nang matapos ang laban.

Sinabi rin ng world no. 47 na ang una niyang plano matapos ang panalo ay simpleng makapagpahinga dahil sa pagod at emosyon ng laban.

Sa kanyang pag-usad sa Round of 16, pinatunayan ni Eala na kaya niyang makipagsabayan sa mga top-ranked players sa world stage. GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here