Home HOME BANNER STORY 12 taong kulong, P10M multa ipapataw sa gagawa ng ‘substandard’ na gov’t...

12 taong kulong, P10M multa ipapataw sa gagawa ng ‘substandard’ na gov’t project

191
0

MANILA, Philippines – Isang panukalang batas ang inihain ni House Majority Leader at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos na naglalayong gawing krimen at mapatawan ng parusa ang mga government contractor na ang mga proyekto ay mapapatunayang substandard o walang kalidad.

Sa House Bill No. 2811 o Criminalizing Negligent Contractors Act na inakda ni Marcos, matitiyak na ang mga proyektong itinayo na pinondohan ng gobyerno ay maayos dahil ang lalabag na contractor ay agad na makukulong.

“Any contractor, subcontractor, or person acting on their behalf who, through gross negligence, causes the quality of work on a government project to fall below the standards prescribed in the contract, applicable laws, or technical specifications, shall be held criminally liable,” nakasaad sa panukala.

Sinabi ni Marcos na panahon na para panagutin ang mga pabayang contractor na pumapasok sa government projects subalit bagsak ang mga ginagawang proyekto at tanging hangad ay kumita.

“The State shall promote the integrity of government projects by ensuring the optimum quality with which they are undertaken. As such, it shall outlaw the negligence of contractors and subcontractors of government projects,” ani Marcos.

Giit ni Marcos na investment ng pamahalaan ang mga government infrastructure projects kaya tama lamang na tiyakin na ang milyong pondong inilaan dito ay maayos na proyekto ang kapalit.

Sa ilalim ng panukala, ang sinumang contractor, subcontractor, corporate officer, government employee, o juridical entity na mapapatunayang nagpabaya — ito man ay nagsilbing principal, accomplice, o accessory — ay papatawan ng parusang pagkakakulong ng anim hanggang 12 taon at multang P10 million.

Bukod pa rito ang parusang perpetual disqualification sa pagpasok sa anumang government procurement o project.

“Gross negligence under HB No. 2811 includes, but is not limited to, acts or omissions that result in material deviation from contract specifications or approved plans, compromise of structural integrity or public safety, or use of substandard materials,” nakasaad sa panukala.

Ayon kay Marcos, malinaw sa Saligang Batas ang “accountability,” hindi lamang sa korupsiyon kundi maging sa gross negligence na nagresulta sa pagwaldas ng pondo dahil sa mga substandard na proyekto. Gail Mendoza

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here