Home NATIONWIDE CBCP sa Pinoys: Mag-alay ng sakripisyo sa panahon ng Kuwaresma

CBCP sa Pinoys: Mag-alay ng sakripisyo sa panahon ng Kuwaresma

191
0

MANILA, Philippines – Nanawagan ang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) nitong Miyerkules sa mga Pilipinong mananampalataya na mag-alay ng makahulugang sakripisyo ngayong Kuwaresma, na panahon ng pagninilay at pagsisisi bilang paghahanda sa muling pagkabuhay ni Hesukristo.

Sa Ash Wednesday Mass sa Manila Cathedral, sinabi ni CBCP Secretary General Msgr. Bernardo Pantin na ang mga sakripisyo ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pag-aayuno o hindi pagligo tuwing Biyernes.

“’Yun ang lesson talaga ng Lent, ng Holy Week, o ’yung buong Lenten season na 40 days, na magsakripisyo tayo para bumalik tayong kaloob-looban sa Diyos,” sinabi ni Pantin sa kanyang homily.

Ayon sa pastoral letter ng CBCP para sa Kuwaresma, maaaring subukan ang “digital media fasting” upang magkaroon ng mas maraming oras para sa panalangin at pamilya.

Sinabi ni CBCP President Archbishop Gilbert Garcera na ang labis na paggamit ng digital media ay madalas na nakakaabala at nagpapahina sa buhay espiritwal.

Ang digital media fasting ay makatutulong upang maituon ang pansin mula sa makasariling gawi patungo sa mapagmahal na paglilingkod sa iba.

Narito ang mga mungkahi para sa digital media fasting:

-Iwasan ang paggamit ng telepono bago matulog at pagkagising.

-Limitahan ang oras sa social media at streaming.

-Magkaroon ng meals at gatherings na walang gadgets.

-Subukan ang 24-oras o weekend digital fasts.

-Alisin ang mga apps na nakakaabala.

-Palitan ang screen time ng panalangin, paglilingkod, pagbabasa, o pakikipag-usap.

— Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here