Home NATIONWIDE Nagparehistro sa BSK, Bangsamoro elections umabot na sa higit 14-libo

Nagparehistro sa BSK, Bangsamoro elections umabot na sa higit 14-libo

196
0

MANILA, Philippines – Mahigit 14,000 ang nagparehistro upang makaboto sa 2026 Barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) at sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary polls, ayon sa Commission on Elections (Comelec) noong Miyerkules.

Batay sa pinakahuling datos hanggang Pebrero 17, umabot sa 14,587 ang kabuuang rehistradong botante sa Bangsamoro region, kung saan 7,390 ay lalaki at 7,197 ay babae.

Pinakamataas ang bilang ng registrants sa Maguindanao del Norte na may 3,944, sinundan ng Maguindanao del Sur na may 2,993; Basilan na may 2,164; Lanao del Sur na may 1,964; at Special Geographic Area (SGA) sa Cotabato na may 1,941. Pinakamababa naman ang naitala sa Tawi-Tawi na may 1,581 registrants.

Nauna nang ipinagpatuloy ng Comelec ang voter registration sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao noong Pebrero 9. Ang registration period na unang nakatakdang magtapos sa Marso 30 ay pinalawig hanggang Marso 31. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here